Bakas sa kanilang Kamay ang mga linya ng buhay,
sa murang edad ay nakaranas na ng pag subok at kahirapan.
Mga kamay nila ang gamit sa pag aaral, sa pag sulat,
at pag lipat ng mga pahina ng aklat.
Mga kamay nila ang gamit sa pag laro sa tabi ng tambak na basura,
at pag langoy sa marumi na dagat.
Mga kamay nila ang gamit sa pag takip sa ilong sa usok pag nag hango ng uling,
at gamit din sa pag pulot ng mga pako para maibenta.
Mga kamay nila ang gamit sa pagpapakita ng kanilang kalooban
na kahit ganito ang buhay nila...
Ang mga kamay na eto ay mapagmahal at masayahin.