6.13.2011

Mga Salamin at Bakal

Mga Salamin at Bakal


Photobucket



Ang Buhay ng tao ay parang Salamin at Bakal na mula sa bagay na nang gagaling sa lupa, ito ay hinuhubog para maging maganda, makinis at makinang sa mata natin. Tulad din ng tao, mula sa pag silang, tinuturuan at pinangangaralan tayo para makayanan at tugunan natin ang mga pag subok at pahirap sa buhay.

Ang kaibahan ng Salamin sa Bakal ay, ang Salamin ay marupok at maselan, konting banga o tama sa kanya ay nag kakaroon sya ng lamat o tuluyan na syang mabasag at maging piraso-piraso, na tulad sa tao na pag dumating na ang pagsubok ay nawawalan na sila ng pag asa at parang gusto na nilang tapusin ang kanilang buhay. Ang bakal naman ay matibay, kahit anong hampas mo sa kanya, sya lang ay nagkakaroon ng mga bungi o yupi, tulad sa tao na kahit anong pagsubok ang dumarating sa kanya kaya nyang tugunan at ihaon ang kanyang buhay.

Ngunit sa pag tagal ng Salamin at Bakal, sila ay nagiging luma, nawawalan ng kinang, kinakalawang at nilalagay nalang sa isang tabi na parang wala ng silbe at gamit, tulad din sa buhay natin na pag lumipas na ang mga taon tayo ay tumatanda at nagiging walang silbe sa lipunan.

Sana, gaya din ng mga Salamin at Bakal, and buhay ng tao ay pwedeng ulit tunawin at ihubog para magkaroon tayo ng bagong buhay.

Ano ka…
Salamin o Bakal?



All photos are owned and copyrighted by Joey Rico (also known under these names: alien_scream).
All Rights Reserved. Unauthorized use, copy, editing, reproduction, publication, duplication and distribution of the digital photos, without his explicit permission, is punishable by law

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.